For my friends asking me on how I prepared for the CPA Board Exam.. allow me to share on how I reviewed for the past 6 months (Nov - May);
1. Answer your handout in advance. Since everyday ang schedule ko sa review, I tried to answer the handouts before the discussion. I believe na in this way, na tetest ko yung stock knowledge ko. I also tried to grade myself sa bawat handout so I can mark the topic if okay na ba ako dun or hindi pa. If hindi pa, meaning more time ang kailangang i-allot para sa topic na hindi pa super na gegets.
2. Attend your class! Remember na bawat sasabihin ng reviewer mo ay mahalaga. Take notes sa mga sasabihin nila na hindi ka familiar, then review it after the class.
3. Take notes or record the discussion. I did both. I had a notebook for each subjects. Based on my experience mas okay na naka summarized per topic. Others do it on an index card. Super na appreciate ko yung gantong style lalo na sa mga huling months ng review. Even on the day of the actual board exam very helpful pa din yung mga last glance ko sa notes ko. 😉 For the voice records naman, pinapakinggan ko lang ulit pag may hindi ako maintindihan sa notes ko.
4. Practice. Aside from answering your handouts, it would still be the best to answer your P1 and P2 + Auditing Problems + MAS + Tax and Law na din. In short lahat pala hehe. 😋 Sa akin po, nag start lang akong mag sagot ng mga Prac Books 2 months before the board. Medyo cramming na din. Medyo nakakasisi yung 4 months na pinalagpas ko na chill ako. Pero on a brighter side... dun ko na kita na nakalimutan ko na agad yung ibang naaral ko for the past 4 months. So medyo maganda pala yung effect sa akin ng 2 months na pag sagot ko ng mga Prac Books. Medyo imposibleng matapos ng 2 months lahat yun no? Yes! Kaya naman daan lang ginawa kong pagsagot. Pag di ko masagot or mali sagot ko binibilugan ko lang yung number para mabalikan a week before the board.. (pero never ko na nabalikan hehe)
5. Make sure ka na sa lahat ng subjects before the final pre board. As if actual board na yung final preboard for you dapat.. para medyo relax ka na sa preweek. Dapat handouts for the preweek na lang talaga ang inaaral mo. Konting balik sa mga previous handouts pag may extra time pa.
6. Have a very clear reason why do you want to pass the board. I'm sure mararanasan nyo din yung pakiramdam na aayaw ka na.. yung tipong masasabi mo sa sarili mo na, nag-aaral ka naman pero parang wala namang pumapasok sa isip mo.. Sa mga panahong yan, dun natin mas kailangang iremind yung mga sarili natin kung bakit natin kailangang gawin to. Kung bakit hindi tayo pwedeng sumuko.. Paulit-ulit mong sabihin sa sarili mo na "Mag-aral ka!! Kailangan mong pumasa dahil/para........"
7. Study! Minimum of 2 hours a day.. Just study.. For the first four months, Yung pag sagot lang talaga sa handouts ang naging pinaka study hour ko. But for the remaining 2 months... I did really study, minimum of 6 hours per day. Di ako yung tanong super haba ng oras sa pag-aaral, but I'm really trying to absorb kung ano ang kakayanin sa maikling oras.
8. Bring a review material wherever you go. Sayang kasi ang oras sa pag tayo sa lrt, pag hihintay ng order sa restaurant, pag hihintay for someone, or kahit ano pang ginagawa mo na feeling mo not productive. So why not magbasa pamatay ng oras? 😊 kaya naman I have review materials in my phone. Para anytime, pwedeng magbasa basa..
9. Sleep!!! I know na halos lahat ng reviewee ay sobrang mag-aral. Sobra din mag puyat.. Pero para sa mga kagaya ko ng mahilig matulog.. May chance!!! Since I usually sleep 7-10 hours. Nag aaral lang ako sa oras na kaya ng katawan ko. Hindi talaga ako nagpupuyat. Well I tried.. until 3am. Pero nagkasakit lang ako at super tanghali ang gising kinabukasan. In effect mas ineffective lang. So dipende talaga sa inyo.. you know your body at kung ano ang best study period sayo.
10. At the top of my list... PRAY!! Before, During, and After.. Sa mga panahong nahihirapan talaga ako.. pray pray pray. Yun din siguro ang dahilan kung bakit naiiraos ko ang bawat araw ng review ko kahit super ikli lang ng naka allot na oras sa pag rereview ko. God will provide wisdom, energy, positivity, and everything else that you'll need.
I hope you could learn from my mistakes last October;
1. Wala akong clear vison why I want to pass.
2. No practice at all. I'm so so so tamad.
3. All I have was prayer.. but no executions.
4. Preweek na pero naghahabol pa lang ako sa mga di ko alam na topics.
5. I have no organized notes and thoughts.
I hope you guys got something from this.. Anyway, effective naman yan because;
♡ top 106th for the first preboard, CPAR
♡ top 76th for the final preboard / 6th in homeschool ranking
♡ and a good grade on the actual board examination
These are the materials (books and handouts) that I'd used for my preparation for the board exam this May 2017. I am giving them all away for free. Sana ay maging useful din po sa inyo. God bless!
These are the materials (books and handouts) that I'd used for my preparation for the board exam this May 2017. I am giving them all away for free. Sana ay maging useful din po sa inyo. God bless!