Pages
▼
Thursday, March 16, 2017
Daddy's 9th
March 16, 2008 Sunday afternoon… when police officer / llb Medel G. Isais; my father, passed away.. Ang bilis talaga ng panahon.. today marks his 9th year death anniversary..
It's already nine years when our lives changed when our dear God called our earthly father back. Nine years… matagal tagal na din pala no? Well.. matagal na talaga.
I was only 16 years old back then.. Hindi ko pa masyado alam yung mga mangyayari pag nawala na si Daddy. Ang naalala ko lang na naiisip ko noon, mawawala na si Daddy.. yun lang. Hindi ko naisip kung pano mababago yung araw-araw naming buhay..
Until lately.. palagi ko tinatanong sarili ko kung ano kaya ang buhay namin if nandito pa si Daddy.. Kung mas naging close na ba kami habang tumatanda ba ako? Magiging proud kaya sya sa akin? Ano kaya mga ipapayo nya sa mga gagawin ko? Ewan. Ang daming tanong.. Ang dami kong tanong kung paano ang buhay kung nandito pa sya.. Ang kaso lang.. wala sya. Wala na sya. At kahit kailan, hindi ko malalaman at mararanasan pa yung “what if kung nandito pa sya”.
Wala akong ibang pwede gawin kung hindi kausapin yung Father in Heaven ko.. I thank God na binigyan Nya ako ng ama dito sa lupa.. Nagpapasalamat ako na for 16 years pinaranasan sa akin ni Lord kung pano magkaroon ng Daddy. Hindi man perfect si Daddy… pero lubos lubos ang pasasalamat ko na sya ang eartly father ko.
Mahigpit sya sa amin.. pero salamat at naging mahigpit sya. Kasi lumaki naman kaming maayos.. Nagagalit sya pag hindi kami pumapasok.. at salamat dahil doon ay nakatapos ako ng pag-aaral ko.. Pinapagalitan nya kami lagi pag hindi nauubos yung pagkain namin. At sobrang pasasalamat ko doon.. Dahil hangang ngayon sobrang sakit sa dibdib ko pag may natitirang pagkain. Kahit sa mga nakakasalamuha kong mga tao, palagi ko sinasabi na kailangang ubusin ang food. Nagpapasalamat ako na nagkaroon ako ng ama na sobrang sipag mag-aral.. Dahil sa kanya nakita ko ang halaga ng may pinag-aralan. Nakita ko din sa kanya ang pag tulong ng walang kapalit. Nagpapasalamat ako sa Panginoon sa buhay na binigay nya kay Daddy. Nagpapasalamat ako na naranasan kong may matawag na Daddy. Nagpapasalamat ako na may nag disiplina sa amin noon. Nagpapasalamat ako sa pag mamahal at pag aalaga ng isang ama.
Thank you Lord, that even though I lost my earthly father…. You found me and allowed me to call you my Father..
Daddy..
Someday.. we'll see you again in our forever home, in Heaven. Together with our Lord and Savior, Jesus Christ. We love you so much!