Pages

Tuesday, May 30, 2017

CPA by God's Grace and Faithfulness



May 29, 2017 9:04PM, Jay called me.. sabi nya CPA na ako.. naiinis pa ako nung una. Kasi akala ko inaasar nya lang ako. Kaya chineck ko if totoo. Pag kita ko.. nandun nga yung pangalan ko.. totoo nga, CPA na ako. "Lord, thank you" paulit-ulit kong sinasabi..

Wala akong ibang gustong mangyari kung di ang pumasa ako para masulat ko to. Paulit-ulit kong sinasabi kay Lord na I want to pass for His glory. Gusto ko kasing i-share yung mga messages nya sa akin. Gusto ko din i-share tong testimony ko ng faithfulness nya sa akin. An encounter that I had with my Lord and Savior.

Bago magsimula yung review. Ang word ni Lord sa akin ay "Be strong and courageous. Do not be afraid; do not be discouraged, for the Lord your God will be with you wherever you go.” - Joshua 1:9

Yan lang yung hawak kong message from the Lord for the first few months ng review. Hangang sa biglang ang lapit na ng actual board. 2 months na lang.. so I kept on praying. Asking God for encouragement.. and He answered "..testing of your faith produces perseverance" -James 1:3

Lumipas ng lumipas yung araw. Papalapit ng papalapit yung actual board.. So I continuously prayed to God.. na bigyan nya pa ako ng lakas ng loob. Na bigyan nya ulit ako ng word of encouragement.  But for more than two weeks, God was so silent. I prayed and prayed.. pero lahat ng devotions ko at quiet time ko.. hindi related sa board exam yung sagot ng Lord. Sa mga panahong yun... wala akong ibang magawa kung hindi magtiwala. Alam ko at naniniwala ako na God is still at work.. hindi man nya ko sinasagot.. sa puso ko, alam kong nandyan sya. Hindi man nya ko sinasagot, He's still strengthening my faith.

During my D-group, I even cried to my sisters in Christ. That time.. I realized na hindi na lang talaga para sa sarili ko ang kagustuhan kong pumasa. Dun ko naramdaman na si Lord talaga yung nagbibigay ng desire sa puso ko to pass the board. That time.. I am so sure that I would like to glorify my God.  I want to pass for His glory.. I  want to pass to testify that my God is really faithful.

So I continuously prayed to God kahit wala akong narereceive na message from Him. Medyo na ffrustrate ako nun kasi never naging ganun katahimik si Lord sa akin ng ganon katagal.. My God always answers my prayer through His words.. pero this time iba. Walang sagot sa akin.. hangang sa matapos ang Easter Sunday. Then I got the message from the Lord through CCF Eastwood's Sunday Chronicles.. the Lord made it clear to me that... "Fear takes away the logic of faith." "Fear takes away hope." "Faith is the reason gone courageous." Sinabi dun na yung dream natin nagmumula sa Panginoon.. it's up to us to trust the Lord that He will equip us. I cried so hard nung nabasa ko yun. Totoo na naririnig ako ng Panginoon ko.

Lumipas ang mga araw.. at sobrang faithful ng Lord, patuloy yung nga messages nya sa akin everyday.. sobrang dami para isulat ko.. Pero isa yung nag struck me the most.. It was in Romans 5:21 "he was fully convinced that God is able to do whatever He promises" eto yung faith ni Abraham. Na kahit no reason for hope, he kept on hoping.. so every night ang prayer ko is.. "I believe God that you are able, I pray that you are willing." And believe it or not.. the very night before the board exam.. God answered... He said through Matthew 8:3 "I am willing." 

Sobrang daming revelations ni Lord sa akin. Pero sa dami nun, isa ang hindi ko makakalimutan.. that was when I was reviewing sa Family Mart.. tapos may sumasakit sa tyan ko ng sobra. As in masakit. Hindi ako makapag focus sa pag rereview ng Law nun.. so I prayed.. and instantly, the pain was gone. The PAIN disappeared, just like that. At sa lahat ng araw ng pag aaral ko.. yung araw na yun yung pinaka madami akong naaral. Feel na feel kong effective yung pag aaral ko dahil alam kong kasama ko at tinuturuan talaga ako ng Panginoon.  Sobrang real yung encounter na yun.. may mga times pa na hindi ko mahanap yung paliwanag sa mga hindi ko maintindihan na topic.. then instantly biglang pagbuklat ko ng book napupunta talaga dun sa mga pages kung saan masasagot yung mga tanong ko. Alam ko na ang Lord yung nagtuturo sa akin sa mga panahong yun.

Magiging sobrang haba nito kung isusulat ko lahat ng ginawa ng Panginoon sa journey ko sa pagrereview. But please, allow me to share the message that I received from the Lord the night before the actual board exam..

Huling review na ako that night for Taxation and Law, first set ng exam.. so after my final review.. I closed everything and opened my bible. I prayed  and lifted everything to God. I asked Him to override my preparations.. then ayun sinabi nga nya na He is willing.. he also said "Daughter, be encouraged!  Your faith has made you well." - Matthew 9:22 and.. " Because of your faith, it will happen" - Matthew 9:29

At sa actual board, tuwing nadadalian at nahihirapan ako.. throughout the examination, paulit-ulit ko lang sinasabi sa sarili ko na "My God is with me." Sya ang nagbigay ng talino sa BOA na gumawa ng mga tanong.. Kaya alam ko na sya din ang magbibigay sa akin ng wisdom and knowledge to answer the questions. Masaya ako na natapos ang board exam ng maayos at mapayapa ang kalooban ko. Payapa because I have my God with me. Indeed He is faithful.

One week of waiting para sa result.. kinakabahan ako. Pero God gave me peace.. I know that I took the examination under His presence.  And amazingly, today before ilabas yung result, lahat ng quiet time and devotions ko lahat may word na successful and victory..

I have nothing to do with this victory.. it's all because of my Heavenly Father.. All praises and glory to my one and only King, Jesus Christ! 

I am Madeleine Alinea Isais, CPA by God's Grace and Faithfulness..  To God be the Glory!

PS..
Please allow me also to share with you on how God used my failure last October 2016 CPA Board Exam.. You can read it here.. God is greater than anything that happens to us.